Saturday, August 21, 2010

Jejemon matapos ang Emo…


Alam niyo ba kung ano ang “Jejemon”? ang “jejemon” ay isang bagong “trend” na ginagaya ng mga kabataan ngayon. Ayon sa ilang dalubhasa ang mga jejemon ay mga indibidwal na mahihina ang IQ na ikinakalat ang kanilang pagkasintu-sinto sa pamamagitan ng mga text Nh4 Tu74|) Nh!t0. Sila rin ay walang sawang nagkakalat ng lagim sa Internet sa pamamagitan ng mga “social-networking sites” tulad ng “facebook & friendster”. (http://janicerulloda.blogspot.com/2010/04/what-is-jejemon.html)

Ngunit may bago, sa ngayon hindi lang sa text makikilala ang isang jejemon. Ang sabi nila mayroon na rin daw sariling istilo ng pananamit. Akalain mo yun? Bagong henerasyon ng kabataan.

Kung noon Emo, ngayon ang pinagkakaguluhan naman ay jejemon. Dati itim o pula na t-shirt, makapal na eye-liner ang mga laslas sa pulso ang makapagpapatunay na Emo ang isang kabataan, ngayon ang uso ay maluwag at makukulay na t-shirt na mayroong malalaking imprinta, “Skinny jeans” na may iba’t-ibang kulay, at jejecap ang patunay na sila a isang jejemon.

Ayon sa aking sariling pagsasaliksik tungkol sa isyung ito. Maraming nag sasabing skwater ang mga jejemon. Sila ay basta-basta na lang nakikigaya sa mga “trend” ng iba.

Ngunit sino nga ba ako o tayo upang husgahan ang mga taong ito? Tulad nga ng sabi ng aking mga kaibigan na tila may asal jejemon “walang basagan ng trip”. May kanya-kanyang pagiisip ang mga tao. Kung ang Diyos nga hindi tao pinakekealman, anu ang karapatan nating makigulo sa iba. Hindi ba?

No comments:

Post a Comment