Sunday, September 26, 2010
dota wala na..
Dota! Nakakasawa!?
By; Gia Hilado.
Dota isang video game na kinakabaliwan ng mga kabataang lalake ngayon. Pinagsasawaan na ng mga JCAians ngayon? Ayon sa ilan sa mga mag aaral ng JCA sila daw ay nagsasawa na sa kakalaro ng Dota. Matapos ang ilan taon na pagpipigil ng mga guro sa mga estudyante na maglaro ng Dota, sila ngayon ang kusang titigil dahil sa pag kasawa?
Ang Dota ay isang video game na kinaaadikan ng mga magaaral ng mahigit 4 na taon. May mga balita pa nga na may mga namatay na sa ilang panig ng mundo dahil sa pagkaadik nila dito.
Ito rin ay pinag babawal na ng mga paaralan. Kalimitan ang mga estudyanteng lalake ay dederetso sa mga computer shops para mag laro ng Dota. May pustahan pang nagaganap.
Sa JCA naguso pa ang computer shop raid na sinasagawa ni Mr. Allen Elefano at Mrs. Marife Jagto tuwing hapon. Pati sa mga barangay nag karoon na din ng mga curfew ang mga computer shops.
Dito kaya magtatapos ang Dota? Ito kaya ang simula ng bagong herenasyon ng kabataan? Magtuloytuloy na kaya ito? Malalaman natin yan pag dating ng panahon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
huwag naman!nasa sa iyo na iyan kung magpapakaadik ka o lilimitahan mo ang sarili mo!!!^_^
ReplyDelete