Monday, September 13, 2010

sino mas angat?

Nakakapanood ka ba nang mga palabas ng ibang bansa, tulad ng Ned’s declassified school survival guide, Zoey 101 at iCarly. Kung ikaw ay isang kabataan tulad ko sigurado akong alam mo ang pelikulang High school musical. Bakit ko tinatanong? Dahil ang lahat ng mga nabanggit ko ay may pagkakatulad. Ang pagkakatulad ng sumusunod ay ang mga estudyante na nag aaral sa mga kanikanilang paaralan. At sa bawat paaralan mayroon silang tinatwag na “status quo”. Ang “status quo” ay isang uri ng pagkakahati sa kanikanilang grupo ng mga estudyante sa estados unidos.
Dito sa Pilipinas may mga tinatawag din tayong “status quo”. Isa dito ang mga Emo. Natatandaan mo pa ba sila? Sumibol ang panahon ng mga emo noong 2006-2009. Ang mga emo ay mga tao o kabataan na mahihilig mag suot ng itim at pulang t-shirt, makakapal na eyeliner at ang kanilang mga buhok ay halos takpan na ang kanilang mga mukha.
Ang pagiging Emo ay nag tagal ng halos tatlong taon. May mga taong nag lalaslas at mga taong pilit na lumalayo sa mga tao sa paligid niya. Ngunit nang pag dating ng 2010 nagkaroon ng bago. Nag simula ang era ng mga Jejemon.
Ang “jejemon” ay isang bagong “trend” na ginagaya ng mga kabataan ngayon. Ayon sa ilang dalubhasa ang mga jejemon ay mga indibidwal na mahihina ang IQ na ikinakalat ang kanilang pagkasintu-sinto sa pamamagitan ng mga text Nh4 Tu74|) Nh!t0. Sila rin ay walang sawang nagkakalat ng lagim sa Internet sa pamamagitan ng mga “social-networking sites” tulad ng “facebook & friendster”. (http://janicerulloda.blogspot.com/2010/04/what-is-jejemon.html)
Kung ang mga emo ay mayroon sariling istilo ng pananamit hindi mag papatalo ang mga jejemon. Ang mga jejemon ay mag susuot ng mga makukulay na cap na tinatawag nilang jejecap, sila rin ay nagsusuot ng mga skinny jeans at makukulay at maluluwag na pang taas.
Tulad nga ng sabi ko ito ay isa lamang dibisyon. At hindi naman ito makakatulong at makakasama sa ating kumunidad. Ikaw? Saan ka kaanib? Sa mga emo o sa mga jejemon? Kahit sino ka man sa mga yan. Ikaw ay Pilipino, na may nakatakdang kapalaran na makakapag pa buti sa ating bayan.
Kahit sino ka pa man diyan. Ikaw ay ikaw. Pero ano ka nga ba. San ka kabilang. Tulad nga ng mga nakapost sa facebook sino mas angat?. Ikaw ang magdisisyon.

No comments:

Post a Comment